Decapo
talagang darating pala sa punto na ika'y sadyang mapupuno
ng mga katanungang dati nang naitanong
subalit ni minsa'y di nabigyan ng sapat na kasagutan.
sabay sa tensyon ng paghagod ng bawat kwerdas ng biyolin,
unti-unting aapaw ang "bakit?" at "bakit hindi?"
pilit na iintindihin ang lohikang naloka
sa pagpapanggap na may taglay itong talino.
sunod na palaisipan ay "kailan...
...titigil ang pagkabuwang sa pagtarok ng mga bagay-bagay?"
isa ba itong biyaya ng pagiging tao o
sumpa ng isang butil ng sala?
magtatapos ba ito sa pagkalunod sa kapal ng hanging di gagalaw
hanggat di tumitila ang patak ng tambol?
0 burp(s):
Post a Comment
<< Home