Lost Star

Bituing malamlam ang kislap,
sadya bang ningning mo'y kupas na?

Di ba't kahapon lang ay tila kay sigla mo pang inakit aking mga mata?

Subalit mukhang nag-iba ang ihip ng hangin.

Ngayon, bakit ika'y nagkukubli sa maulap na langit
at bukas, tuluyan bang palalamon ang aandap-andap mong kinang
sa karagatan ng mga talang umaasang sasapit din ang panahon
na may tagahangang sa kanila'y susubaybay?

exhaled by milbenski at 9:29 PM on Wednesday, June 27, 2007 | 0 comment(s)

0 burp(s):

Post a Comment

<< Home