Happy Ending

parang binuhusan ako ng nagyeyelong tubig,
nangangatog buong katawan sagad sa buto,
nakatulala't di makapaniwala sa mga pangyayari.

sadyang mahirap malungkot kung nalimot mo nang umiyak
lalo na't kung tila sapilitang tinuklap ang langib ng iyong papagaling na sugat.

tila natuyo na ang luhang daramay sa kalbaryong ito o
unti-unting naiipon sa loob, nakakulong, at
dahan-dahang ako'y nilalason.

hindi ba kalunus-lunos na sa sarili kong perpektong mundo,
sa sarili kong mahiwagang kuwento,
ang wakas ay tulad din ng realidad--
mag-isa, nakasiksik sa sulok,
nangungulila sa sariling happy ending.

exhaled by milbenski at 9:12 PM on Monday, July 02, 2007 | 0 comment(s)

0 burp(s):

Post a Comment

<< Home