Hoy, Miss! Biyahe Tayo!


Hoy, Miss!

Inabot ka na ng dilim diyan sa sakayan ng jeepney.

Hindi ka ba nangangatal sa lamig?

Mabuti na lang may payong kang panangga sa ulan ngayong gabi

Na siya ring lilim mo habang tirik ang araw kaninang tanghali

At naging silong sa hamog ng bukang-liwayway.

Hoy, Miss!

Kailan ka ba nagsimulang maghintay ng masasakyan?

Sa dami ng jeepney na dumaan ay ni isa’y wala kang pinara.

Di mo ba alam ang iyong pupuntahan

O takot kang tuluyang iwan ang pinanggalingan?

Hoy, Miss!

Sakay na sa auto kong puno ng gamit

At hayaan mong samahan kita sa iyong pagpapasya.

Sa panahong ganito,

kailangan mo ako, kailangan din kita.

Sabay tayong magliwaliw, maligaw, maaliw

Patungo sa sangandaan ng buhay.

Maaaring dugtungan, maaaring tapusin, maaring hayaang nakabitin

exhaled by milbenski at 9:27 AM on Tuesday, October 23, 2007 | 0 comment(s)

0 burp(s):

Post a Comment

<< Home